All posts by Juned

On Air Na Ang Mag Internet Tayo – Simple Lang Yan :) sa DwIZ

Alam niyo ba na si French Statesman Charles De Gaulle ay nakapagpigil ng Coup gamit ang radyo? May mga nagsagawa noon ng coup sa Algiers, isang colony ng France sa Africa. Nagsalita si De Gaulle noon sa radyo laban sa coup at narinig ito ng ibang French military sa Algiers at suma total naglaho ang coup. Sa kasaysayan natin ilang beses na rin naging daan ang radyo sa importanteng pangyayari – ang pagsabog ng Hindenburg; ang dramatisation ng War of the Worlds ni HG Wells na ginawa nina Orson Welles at ng Mercury Theatre na inakala ng ibang Americano na totoo at nag-panic; At mga talumpati Hitler, Churchill. Roosevelt at iba-iba pa noong World War Ii. Hanggan ngayon gumagamit pa rin tayo ng radyp.

Itong nakaraan na Sabado nag umpisa na ang radio show naming Mag Internet Tayo: Mag Internet Simple Lang Yan :) sa DwIZ 882 am. Nagsimula ang show 11:00 pm at natapos ng hating-gabi. Ang programa ay tungkol sa Internet, Social Media, at mga gadgets (teknolohiya) – na walang jargon – Mag Internet ay simple lang. Kasama sa mga laynunin ng MIT ang sumusunod:

Tanggalin ang aprehensiyon tungkol sa Internet at Technology para dumami tayo online
Ipakita na hindi kailangan gumastos ng malaki para magamit ang Internet
Ipakita ang mabuti, masama at pangit sa Internet para magagamit at walang problem ang Internet
At magsilbing forum for productive and critical discussion para sa lahat

Bakit sa Radyo?

Naniniwala kami na ang radyo ay isa paring importante at epektibong paraan na umabot sa ating mga kababayan. Isa yan sa apat na teknolohiya – Printed Word, Radio, Television at Imterner – na importanteng paraan na mag lathala ng mga bagay-bagay at mag usap. Magandang at epiktobong daan upang sa usapang Internet.

Ang Mag Internet Tayo ay makikita niyo rin online: mapanood/mariring ang programa sa ustream o di kaya sa audiostream, may Facebook Page – Mag Internet Tayo at marami pang sumusunod. Ang mga listeners puwedeng mag interact – tanong o mag react – sa landline, text. Facebook at email.

Naniniwala ako na magandang proyekto itong MIT at masaya kami na pagtapos ng mahabong process mula conceptualization, fine tuning at pitching naging katotohanan ito. Marami kaming pasasalamatan. Una ang DwIZ na niwala sa show. Pangalawa, Ang mga pamilya at kaibigan na sumuporta at nag-bigay ng honest-frank feedback. Pangatlo, Ang mga nakinig at nakikining sa amin tuwing Sabado. At pang-apat, sa Diyos na nagbigay ng gabay at tulong.

Tuwing Sabado nandiyan kami sa Mag Internet Tayo: Internet Simple Lang Yan, mula 11:00 hanggan Hating Gabi sa DwIZ 882 AM. Maririnig niyo kami sa radyo at sa Internet dito sa Ustream at audiostream ustream at audiostream ng DwIZ.

#tbc #thinkbeforeclicking
#mbm #magisipbagomagclick